Saturday, April 24, 2010

Jejemon. Hate them?

Jejemon? Pag hindi mo pa alam ang jejemon, ewan ko na lang sa'yo pero siguro dahil wala kang facebook o friendster. Jejemon, nung una, tawag lang talaga to sa mga taong naka-cap pero pinapatong lang nila sa ulo sa hindi malamang dahilan (pero ang alam ko para hindi daw madeform yung cap). Tapos isang araw na-uso na lang yung JEJE talk harassment, nag simula na manganak yung mga JEJEMON haters sa Facebook, dati gusto ko sumali, kasi may point naman sila di ba? Oo nga naman, ilang taon tayo tinuruan ng tamang spelling at pag-gamit ng capital letters tapos ganun lang yung mangyayari sa atin? Okay lang sana na iquestion natin sa kanila na bakit ganun sila mag-spell di ba? Pero binibigyan ba natin sila ng chance sumagot sa atin? Di ba iniiwasan natin sila na feeling natin ang taas-taas natin sa kanila? Kala natin napakatalino na natin, parang ganun. Syempre "natin" yung ginagamit ko, kasi aminin man natin sa hindi, oo nainis tayo, kahit isang beses o dalawa o higit pa kasi hindi natin sila naiintindihan.

Hindi ako against sa mga JEJEMON HATERS fan page sa facebook, pero the way na mang harass sila ng tao tapos mag post pa ng mga taong yun, tapos inuulan ng mga comment, akala mo kung sino sa silang perpekto, kelan pa nagkaroon ng batas na bawal magsuot ng maluwag? Kelan pa nagka-batas na bawal ipangdecorate sa katawan ang bandana (yung malaking panyo)? Alam ba nila kung gaano nakaka degrade na pinagpipyestahan sa facebook ng mga hindi mo naman kilala na tao yung mga pictures mo, at kung ijudge ka e parang sampung taon na kayo magkasama? Try mo humarap sa salamin at isipin mo, kung ikaw yung nasa picture na yon, ano din kaya masasabi ng tao sayo? Sabihin na natin na katuwaan lang yung mga fan page na ganun? Pero sino bang tao ang gusto na pinagtatawanan? Ikaw gusto mo ba yon? E di lagay ka din ng picture mo dun.

Sa paraan naman ng pag-sulat nila, nakakalakihan naman yun e. Alam niyo magsasawa din yang mga yan, tingin niyo pagpapasok na sila sa mga trabaho nila, e ganyan pa din sila magsulat o mag type? Siguro isang stage lang talaga yan sa buhay na pagdadaanan ng tao, depende sa taong nakapalibot sa kanila. At tsaka isang way na din nila yan na makilala kung sino ang taong totoong IINTINDI sa kanila, kasi nga di ba? Hindi mo nga maintindihan, pero kung gusto mo maintindihan, iintindihin mo din yun di ba? Haay. Pagod na ako. Ge.